Independent commission para sa rehabilitasyon ng Marawi, isinusulong

Manila, Philippines – Isinusulong ng ilang eksperto ang pagbuo ng isang independent commission para planuhin ang rehabilitasyon sa Marawi City.

Para kay Atty. Benedicto Bacani, Executive Director ng Institute for Autonomy and Governance – hindi lang dapat nakatutok ang rehabilitasyon sa pagpapatayo ng mga nasirang bahay o gusali.

Aniya, dapat na pag-aralan ng komisyon ang ugat ng terorismo, kung bakit maraming Pilipino ang nahihikayat ng isis at kung paano mailalayo ang mga ito mula sa impluwensya ng mga terorista.


Suportado rin ni Government Ceasefire Committee Chairman Francisco Lara Jr. ang nasabing panukala.

Aniya, maituturing na kasing ‘humanitarian crisis’ ang nangyayari ngayon sa Marawi.

Tila lumalabas din aniya na hindi lubos na napaghandaan ng gobyerno ang magiging tugon nito sa krisis.

Facebook Comments