Independent fact-finding commission, pinabubuo ng isang kongresista para sa mga kaso ng summary killings bunsod ng war on drugs campaign ng gobyerno

*Manila, Philippines – *Hiniling ng Magnificent 7 sa Kamara kay Pangulong Rodrigo Duterte na bumuo ng independent fact-finding commission na magiimbestiga sa mga kaso ng pagpatay dahil sa war on drugs ng pamahalaan.

Ang mungkahing ito ay kasunod na rin ng pagkakapatay ng Caloocan police sa Grade 11 student na pinaghihinalaang runner ng iligal na droga na si Kian Loyd delos Santos.

Giit ni Albay Rep. Edcel Lagman, hindi dapat pagkatiwalaan ang PNP sa pagiimbestiga sa mga extra judicial killings sa bansa dahil mismong ang mga pulis ang sangkot sa mga pagpatay habang hindi rin dapat ipagkatiwala sa DOJ ang pagsisiyasat dahil ito ay magiging partisan sa desisyon bilang ang Kalihim ng ahensya ay kaalyado ng Pangulo.


Sa ilalim ng isinusulong na independent fact finding commission, ito ay bubuuhin ng mga retiradong Justices mula sa Korte Suprema at Court of Appeals.

Ang independent fact finding commission na ito ang siyang bubusisi sa mga kaso ng summary killings, motibo at kung may reward na nakapaloob dito, at magdedetrmina kung ilan na ang mga napatay mula ng magsimula ang kampanya laban sa iligal na droga.

Aalamin din kung ilan ang mga mahihirap na napapatay, magrerekomenda ng parusa sa mga otoridad na mapapatunayang may paglabag na ginawa at magmumungkahi ng alternatibong paraan para labanan ang iligal na droga sa bansa.

Facebook Comments