Independent Industry Expert na aaral sa industriya ng online gambling, iminungkahi ng isang senador

Inirekomenda ni Senator Sherwin Gatchalian sa pamahalaan ang pagtatalaga ng isang independent industry expert na magsasagawa ng pag-aaral sa epekto at polisiya sa online gambling.

Ang mungkahi ng senador ay kasunod na rin ng pangamba ni Pangulong Bongbong Marcos na mas mahihirapang i-regulate ang industriya kapag nag-underground ang mga ito dahil sa isinusulong na total ban.

Giit ni Gatchalian, ang independent industry expert na aaral sa online gambling ay hindi magmumula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) dahil mayroon itong pansariling interes na pinangangalagaan.

Ang pag-aaral na gagawin ay dapat kasama ang gagamiting teknolohiya na epektibo at tuluyang mag-ba-block ng mga website at application na nag-aalok ng serbisyo ng online gambling sa bansa.

Babala ni Gatchalian, kung walang gagawin ang bansa sa problemang ito ay tiyak na hindi na makokontrol ang adiksyon sa sugal lalo na sa hanay ng mga kabataan.

Facebook Comments