Independent investigation sa maanomalyang flood control project, suportado ng CBCP

Nakikiisa na rin ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa panawagan na magkaroon ng independent investigation sa umano’y katiwalian sa mga flood control projects ng pamahalaan.

Sa isang pastoral letter, hinimok ng mga obispo ang taumbayan na igiit ang pagsasampa ng kasong kriminal laban sa mga sangkot sa diumano’y sistematikong pagnanakaw ng pondo ng bayan.

Binatikos din ng CBCP ang kasalukuyang mga imbestigasyon ng Senado at Kamara, kung saan mismong mga nag-iimbestiga ang siya rin iniimbestigahan.

Babala pa ng mga obispo, kasing panganib ng kalamidad ang korapsyon na kasalukuyan nagaganap sa bansa.

Giit pa ng CBCP, kung umaapaw na ang baha dahil ninakaw ang pondo, mas malaking baha ang korapsyon na lumulunod sa kinabukasan ng bayan.

Facebook Comments