INDEPENDENT | Isang aso sa Seattle, marunong mag-commute magisa

Seattle – Sikat na sikat ang isang aso sa Line D bus sa Seattle kung saan mag isa itong sumasakay sa pampublikong bus para puntahan ang paboritong park nito.

Ang asong animo ay isang celebrity ay dalawang taong gulang na black Labrador na nagngangalang Eclipse.

Ayon sa amo ni Eclipse na si Jeff Young, nagsimula itong bumyahe mag-isa habang naghihintay sila sa isang bus stop, nainip raw si Eclipse sa paghihintay sa kaniyang amo na matapos manigarilyo at nang dumating ang bus ay agad na itong sumakay mag-isa at nagkikita na lamang sila sa paboritong park ni Eclipse.


Sa araw-araw na pagpunta nito sa kaniyang paboritong park ay nakilala na siya ng mga bus driver at hinahayaan itong sumakay sa kanilang mga pampasaherong sasakyan dahil sa ngiti naman ang hatid ni Eclipse.

Sadyang kakaiba ang asong si Eclipse dahil sa katalinuhan nito, kung saan say ng mga pasahero behave at parang tao si Eclipse tuwing bumabiyahe.

Facebook Comments