Umapela si Vice President Leni Robredo sa mga botante na seryosohin ang pagboto at piliing mabuti ang mga senador na ihahalal.
Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, mahalagang iboto ang mga senador na karapat-dapat dahil sa susunod na tatlong taon ay maraming isyu at polisiya na pagdedesisyunan ng Senado.
Magiging mabuti para sa lahat kung ang Senado ay mananatiling independent upang matiyak na ang mga panukalang batas ay napag-aaralan, napapag-debatehan ng maayos at ikinukunsidera ang lahat ng kaukulang sector.
Si Robredo kasama ang kanyang mga anak na sina Aika at Tricia ay inaasahang boboto sa Tabuco Elementary School sa Naga City, Camarines Sur mamayang alas-10:00 ng umaga.
Facebook Comments