Muling tiniyak ng Philippine National Police (PNP) ang pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa bansa.
Batay sa pinakabagong datos ng PNP, bumaba ng 61.87% ang index crimes sa bansa mula July 1, 2022 hanggang July 28, 2024 kumpara sa kaparehong panahon noong 2016 hanggang 2018.
Mula sa 217,830 kaso, bumaba ito sa 83,059 na insidente.
Partikular na bumaba ang bilang ng crimes against persons, kabilang ang murder, homicide, physical injuries, at rape sa 55.69%.
Sa kampanya naman laban sa iligal na droga, nakasamsam ng PNP ang ₱35.6 bilyon na halaga ng illegal drugs at nasa 122,309 na mga indibidwal ang naaresto.
Muli ring iginiit ng Pambansang Pulisya ang kanilang paninindigan para sa katarungan, accountability, at paggalang sa karapatang pantao, at mananatili silang kasama ng bansa sa pagtutulungan para sa mas ligtas na mga komunidad.