Batay sa datos ng Regional Investigation and Detective Management Division ng PRO2, mula sa dating 12,282 noong June 30, 2010 hanggang June 10, 2016, bumaba ang bilang ng index crime ng 17.15% sa administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Pinakamataas ang Crime Against Person na may 6,084, sumunod ang Crime Against Property na nakapagtala ng 4,068 o 39.98 % habang ang natitirang porsyento ay mga Special Complex Crime.
Mula sa 10,175 Total Index Crime noong 2016 hanggang 2022, pinakamataas na nakapagtala ang Isabela Police Provincial Office na may 3,464, sinundan ng Cagayan PPO na may 2,996; Nueva Vizcaya PPO na may 2,238; Santiago City Police Office na may 994; Quirino PPO na may 436 at Batanes PPO na may 47.
Pinakamataas ang Physical Injuries, sinundan ng Rape, pumangatlo ang Theft, pang-apat ang Robbery, Murder, Carnapping, Homicide at Special Complex.
Sa ibinahaging impormasyon ng Police Regional Office (PRO) 2, ang pagbaba ng index crime sa rehiyon ay bunsod ng holistic crime prevention effort at puspusang operasyon ng buong kapulisan ng PRO2 kontra kriminalidad at iligal na droga.