Mula sa 78 na naitalang insidente noong Setyembre, bumaba sa 69 ang kabuuang kaso ng mga index crime nitong Oktubre.
Pinakamalaki ang ibinaba ng kaso ng panggagahasa na mula 27 noong Setyembre ay naging 14 na lamang noong Oktubre, katumbas ng 48.1 porsiyentong pagbaba.
Bumaba rin ang kaso ng pagnanakaw mula 22 ay naging 17, physical injuries mula 11 ay naging 10, at mga insidenteng may kaugnayan sa motorsiklo mula pito ay naging anim.
Gayunman, nakapagtala naman ng pagtaas sa ilang uri ng krimen.
Mula anim ay naging 12 ang kaso ng robbery, habang kapwa tumaas mula dalawa ay naging apat ang murder at homicide cases.
Nadagdagan din mula isa ay naging dalawa ang mga kasong may kaugnayan sa mga sasakyang de-motor.
Bagama’t positibong hakbang ang pagbaba ng bilang ng krimen, binigyang-diin ni PRO-1 Regional Director PBGEN Crisaleo R. Tolentino ang pangangailangang ipagpatuloy ang pagbabantay at pagpapatupad ng mas estratehikong operasyon ng pulisya sa rehiyon.
Muling hinikayat ng PRO-1 ang publiko na manatiling mapagmatyag, agad na ireport ang mga kahina-hinalang aktibidad, at makipagtulungan sa mga awtoridad upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa buong rehiyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








