INDEX CRIMES SA REHIYON DOS, BUMABA NGAYONG 2ND QUARTER NG TAON

Cauayan City – Isang magandang balita ang naitalang pagbaba ng Index Crimes sa Rehiyon Dos ngayong ikalawang quarter ng taong 2024.

Batay sa inilabas na datos ng Police Regional Office 2 sa pamamagitan ng Regional Investigation and Detective Management Division (RIDMD), kung ikukumpara sa parehong panahon ay bumaba ng 36.52% ang naitalang Index Crimes sa Lambak ng Cagayan.

Batay sa Peace and Order Indicator, kung noong 2023 ay 283 ang bilang ng naitalang index crimes noong buwan ng Abril hanggang Hunyo, ngayong taon ay nakapagtala lamang ng 179.


Bukod pa rito, bumaba rin ng 2.17% ang naitalang non-index crimes na kinabibilangan ng paglabag sa Special Laws at Local Ordinances.

Dahil dito, kinilala ni Police Regional Office 2 Police Brigadier General Christopher Birung ang dedikasyon ng mga kapulisan sa Lambak ng Cagayan upang mapababa ang naitatalang krimen sa buong Rehiyon.

Facebook Comments