India, nahigitan na ang Brazil sa pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa buong mundo

54

Nahigitan na ng India ang Brazil sa pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa buong mundo na pumalo na sa 4.2 milyon.

Dahil dito, pumapangalawa na ang India sa may pinakamaraming kaso ng sakit sa buong mundo sumunod sa Estados Unidos na mayroong 6.2 milyong kaso.

Nasa India rin ang record ng pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 sa loob ng isang araw ng umabot sa halos 91,000 kaso.

Facebook Comments