Indian businessmen sa Pilipinas, hindi magsasara ng negosyo sa kabila ng pandemya

130

Tiniyak ng Philippine Indian Business Council (PIBC) na walang plano ang mayorya ng mga miyembro nito na magsara ng negosyo sa Pilipinas sa gitna ng epekto ng COVID-19 pandemic sa ekonomiya.

Sa harap na rin ito ng matinding krisis na kinakaharap ngayon ng India dahil sa pandemya.

Ayon kay PIBC chairman Johnny Chotrani, sa ngayon ay wala pa namang Indian business ang nagsasara, kung meron man ay pansamantala lamang.


Ang Pilipinas ay naging tahanan na ng nasa 200,000 Indian national.

Facebook Comments