Indian National, Huli matapos bastusin ang mga nagpapatrolyang Pulis-Cauayan

*Cauayan City, Isabela- *Sasampahan ng kasong Resistance and Disobedience upon an agent of Authority ang isang Indian National na nakainom matapos bastusin ang isang miyembro ng kapulisan habang nagpapatolya bandang 10:30 kagabi sa pambansang lansangan na sakop ng Brgy. District 3, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Dharma Sandu, 26 anyos at residente ng Moga, Indian at kasalukuyang naninirahan sa San Lorenzo Village, Marabulig Uno habang ang biktima ay kinilalang si PSSg. Christopher CastaƱeda.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, habang nagpapatrolya ang tropa ng kapulisan kagabi para sa pagpapatupad ng OPLAN SITA sa mga menor de edad na pagala-gala sa lansangan ay natsempuhan naman ang isang Indian national na binarurot ang kanyang motorsiklo habang nagpositibo naman ito sa alak matapos isailalim sa eksaminasyon sa Cauayan District Hospital.


Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng kapulisan ang nasabing suspek habang inihahanda na kaso laban dito.

Facebook Comments