Indian National, Ligtas sa Kulong!

Cauayan City, Isabela- Ligtas sa kaso at pagkakakulong ang isang Indian national matapos makipag areglo ang kanyang nakabangga.

Pumayag na iatras ni Harold Gallardo, 22 taong gulang, binata ang kasong Reckless Imprudence Resulting to Physical Injury laban kay Kuldip Singh, 30 taong gulang, binata at residente ng Christine Village, District 1, Cauayan City, Isabela.

Matatandaan na alas 10 ng gabi noong Sabado, lulan ng kanyang Honda XRM 125 na walang plaka patungo sa City proper nang mabangga ni Singh ang biktimang si Gallardo habang papatawid sa kahabaan na bahagi ng F.N. Dy Ave sa Brgy. San Fermin, Cauayan City.


Dahil dito ay nagtamo ng mga gasgas at sugat sa katawan ang biktima na kaagad nadala sa Cauayan City District Hospital.

Ayon kay Antonio Gallardo, ama ng biktima, hindi na nila itutuloy ang kaso kapalit ng pangakong sasagutin ni Kuldip Singh ang lahat ng babayarin sa hospital habang naka confine ang kanyang anak sa ospital at cash na limang libong piso.

Batay sa Republic Act No. 1790 Article 365, maliban sa multa ay maaring makulong ang sinumang mapapatunayang may pagkukulang sa pagmamaneho na magresulta sa pagka aksidente.

Sa ngayon ay kasalukuyan pa rin nagpapagamot sa ospital si Gallardo at stable na ang kanyang kalagayan.

Facebook Comments