Indian national na humaharap sa kasong rape, inaresto ng BI sa NAIA

Ipinasakamay na ng Bureau of Immigration (BI) supervisors sa National Bureau of Investigation (NBI) ang isang Indian national na wanted sa kasong rape.

Ayon sa mga Immigration officers na nakadestino sa Ninoy Aquino International airport (NAIA) Terminal 3, ang suspek ay kinilalang si Jacob Manoj Paul Chempalakunnil, 50 years old.

Tinangka raw ng suspek na umalis ng bansa at sasakay sana sa Jetstar Asia flight patungong Singapore.


Hinarang ng Immigration si Chempalakunnil dahil mayroon itong criminal records base sa database of individuals ng BI.

Sinasabing subject ang Indian national ng warrant of arrest na inisyu ng Branch 220 ng Quezon City at mayroong order na arestuhin ito dahil sa kasong panggagahasa na walang inirekomendang piyansa.

Facebook Comments