
Sugatan ang isang lalaking Indian National matapos mabangga ng isang motor habang tumatawid sa kahabaan ng Tebeng Road, Brgy. Caranglaan, Dagupan City, Pangasinan.
Kinilala ang driver na isang lalaking construction worker.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nasagasaan ng paparating na motor ang biktima.
Dahil sa insidente, bumagsak sa kalsada ang biktima maging driver ng motorsiklo.
Naitakbo naman ang dalawa sa pagamutan dahil sa tinamong sugat sa katawan ng biktima at injury sa kamay ng driver.
Basag naman ang unahang bahagi ng motor na nasa kustodiya na ang awtoridad para sa tamang disposisyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









