Indibidwal na apektado ng Bagyong Quinta, umabot na halos isang milyon ayon sa NDRRMC

Umakyat sa 914,709 indibidwal o katumbas ng 237,948 families ang naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Quinta sa walong rehiyon sa bansa.

Batay ito sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, sa bilang ng mga apektadong pamilya, 22, 029 families ay nanatili ngayon sa evacuation centers.


Mayroon aniyang 843 evacuation centers sa National Capital Region (NCR), CALABARZON, MIMAROPA, Cordillera, Region 3, Region 5, Region 6, Region 7 at Region 8.

Sa evacuation centers na ito pansamantalang tumutuloy ang 22,029 pamilya.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang monitoring ng NDRRMC sa mga lugar na sinalanta ng bagyo para matukoy ang pinsala sa agrikultura at imprastraktura.

Facebook Comments