Friday, March 27, 2026

Indibidwal na ilegal na nagbebenta ng gasolina na nakalagay sa mga bote at containers, naaresto sa Masbate

Naaresto ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Masbate Provincial Field Unit (PFU) at ng Placer Municipal Police Station (MPS) ang isang indibdwal na ilegal na nagbebenta ng gasolina sa Brgy. Tan-awan, Placer, Masbate.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Rolly” , 40 taong gulang at naaktuhang ilegal na nagbebenta ng gasolina.

Nakumpiska sa kanya ang limang litrong gasolina na ginamit sa buy-bust, 75 na bote ng softdrinks na naglalaman bawat isa ng isang litrong gasolina, 22 plastic containers na tinatayang naglalaman ng 15 litro bawat isa.

Ang nasabing nakumpiskang produktong petrolyo ay tinatayang nagkakahalaga ng nasa mahigit P38,000.

Samantala, ang nasabing suspek kasama ng mga nakumpiskang produktong petrolyo ay tinurn over sa CIDG-Masbate PFU para sa tamang dokumentasyon habang inihahanda ang kaukulang kasong isasampa sa kanya.

Facebook Comments