Nakapagtala na ang Philippine National Police (PNP) ng 86 na indibdiwal na lumabag sa umiiral na gun ban na nagsimula nitong Enero 9.
Ayon kay PNP Spokesperson Col Roderick Alba, panibagong 12 na indibidwal ang nadagdag sa bilang ng mga violators ngayong araw.
Dahil dito umabot nasa 12 baril, 1 deadly weapon, 148 mga bala at isang firearm replica ang nakukumpiska ng PNP.
Sa ngayon may kabuuang 18, 978 checkpoint operations na rin ang ikinasa ng PNP matapos na makapag sagawa mahigit 2000 checkpoint operations hanggang kaninang umaga.
Ang Commission on Elections (COMELEC) gunban ay magtatagal hanggang Hunyo 8, 2022.
Facebook Comments