Indibidwal na mga naaresto dahil sa pamemeke ng swab RT-PCR at pekeng travel authority, umabot na sa 195

Nakapagtala na ang Joint Task Force (JTF) COVID Shield ng 195 na mga indibidwal na nahuli matapos na mameke ng swab Reverse Transcription-Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) at pekeng travel authority.

Ayon kay Lt. Gen. Hawthorne Binag, Philippine National Police (PNP) Directorate for Operations at JTF COVID Shield Commander, mayroong 52 violators ang hinuli dahil sa pekeng swab RT-PCR o antigen result.

Habang 44 na violators ay nahuli matapos gumamit ng pekeng travel authority at isa ay nahuli naman dahil sa paggamit ng pekeng identification card.


Pinakamaraming naitalang violators ang Police Regional office 1 na umaabot sa 69.

Samantala, batay pa sa monitoring ng JTF COVID Shield, umakyat na sa 236,640 motorcycle backriding violators ang kanilang naitatala.

Ito ay ang mga motoristang lumabag sa minimum health standard protocols.

Tiniyak ni Binag na hangga’t nanatili ang COVID-19 pandemic, magpapatuloy ang PNP sa pagpapatupad ng mga patakaran para maiwasan pa rin ang pagkahawa-hawa ng COVID-19.

Facebook Comments