INDIE FILM NAMAN | Marian Rivera, susubok ng bago

Manila, Philippines – Balak daw ng kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera na bumalik sa big screen ngayong taon.

Pero say ni Marian, this year susubukan naman daw niyang gumawa ng Indie Films.

Katunayan ang mister daw niyang si Dingdong Dantes ang mismong nag-encourage sa kanya na subukan ang nasabing field.


Dagdag pa ng aktres, panahon na rin siguro para umalis siya sa kanyang ‘comfort zone’ at sumubok ng bago.

Hindi na raw niya hihintayin na maging ugod-ugod na siya bago gawin ang mga bagay na hindi pa niya nagagawa.

Samantala, taong 2013 pa nang huling gumawa ng pelikula si Marian – ang “Kung Fu Divas” kasama si Aiai Delas Alas.

Facebook Comments