Indigenous People Mandatory Representative ng Sanguniang Panlunsod ng Gensan – patay dahil sa atake sa puso

General Santos City – binawian ng buhay kaninang madaling araw ang Indigenous People Mandatory Representative nitong lunsod na si IPMR councilor Benjamin Talon dahil sa cardiac arrest.

Ala 1:00 ng madaling araw kanina nang isinugod ng kanyang mga kaanak sa doctors hospital ang nasabing opisyal matapos itong nakakaranas ng panghihina at hirap sa paghinga.

Sa panayam ng RMN Gensan kay City Councilor Lourdes Casabuena sinabi nito na biglang sumama ang pakiramdan ni Talon kaya agad itong dinala ng hospital pero binawian din ng buhay matapos ng ilang oras.


Dagdag pa ni Casabuena na nuong nakaraang dalawang session napansin nito na parang matamlay ang nasabing opisyal.

Pero hindi nito inaasahan na mayroon itong karamdaman.

Malaki umanong kawalan si Talon dahil naging mabuti ang kanyang performance sa sp bilang representative nga kanilang tribo.

Samatala sinabi naman ni City Councilor Franklin Gacal na parang may sumpa ang posisyong IPMR dahing pangatlo na si Talon na umupo sa nasabing posisyon na namatay sa loob ng tatlong taon.
DZXL558

Facebook Comments