Prayoridad ng Kagawaran ng Kalusugan o ang Department of Health sa pangunguna ni Department of Health Officer-in-Charge Maria Rosario Singh-Vergeire katuwang ang DOH Region 1 at ang mga lokal na pamahalaan sa pagsusulong ng kapakanang pangkalusugan ng mga Indigenous People, and IPs o mga katutubo sa lalawigan ng Pangasinan.
Bunsod ito ng naobserbahang isa ang mga katutubo sa mga hindi gaano naaabutan ng iba’t-ibang serbisyo dahilan ang layo nito mula sa mga sentral na bahagi ng anumang kalakan o pamamahagi ng serbisyo.
Kaugnay nito ang kauna-unahang paglunsad ng Sulong Kalusugan para sa mga Katutubo ng Sison, Pangasinan, ngayong araw. Ilan sa mga serbisyong handog ay ang Nutrition Services, Oral Health Services, Basic Consultation Services, PhilPEN Risk Factor Screening, Diabetic Retinopathy Screening, Cervical Cancer Screening, Immunization Services, TB Active Case Finding, Family Planning Services, Hearing Test.
Nakapamahagi rin ng assistive devices na wheelchairs at cannes para sa mga PWDs at, Buntis Kit sa mga buntis, herbal kits para sa mga Senior Citizens at Hygiene Kits para sa mga kabataan.
Pagtitiyak ni OIC Vergeire na magpapatuloy ang nasimulan na pagkakaloob ng dekalidad na serbisyong pangkalusugan para sa mga Katutubo para mas mahusay ang access ng mga Pilipino sa pagkamit ng epektibong Universal Healthcare.
Kabilang na sa tatalakayin ang ilan pang munisipalidad sa Pangasinan na may IP communities na mahahandugan ang nararapat at kailangang serbisyong pangkalusugan. |ifmnews
Facebook Comments