Indigenous resources ng fuel sa bansa, patuloy na tutukan ng DOE para maibsan ang pagiging dependent ng bansa sa imported fuel

Tiniyak ng Department of Energy (DOE) na patuloy ang kanilang ginagawang paraan para maibsan ang pagiging dependent ng bansa sa imported fuel.

Ito ay sa harap na rin ng taas-baba na presyo ng produktong petrolyo.

Ayon kay Oil Industry Management Assistant Director Rodela Romero, patuloy ang paghikayat ng DOE sa mga Pilipino na gumamit ng renewable energy partikular ang solar, wind at hydro energy.


Layunin nitong hindi masyadong umasa ang mga Pilipino sa imported fuel.

Hindi aniya kasi kontrolado ng DOE ang paggalaw ng presyo ng fuel.

Pero pagtitiyak ni Romero na hindi kakapusin ng supply ng imported fuel sa bansa.

Batay sa notification na natanggap ng DOE ngayong araw, mula sa limang malalaking kompanya ng langis sa bansa, inaasahang ang rollback bukas sa ₱1.70 sa kerosene kada litro, ₱.45 sentimos sa gasolina, at ₱1.45 sa diesel.

Para sa susunod na linggo, sinabi ni romero na maaga pa sa ngayon para makita kung ano ang magiging sitwasyon ng presyuhan ng produktong petrolyo para sa susunod na linggo.

Facebook Comments