Bakasyon na ng mga estudyante kaya uso na naman ang pagpapatuli para sa mga batang lalaki. Kaya naman nang mabigyan ng pagkakataon ang ilang batang Dagupeño, nagtungo na ang mga ito sa free circumcision o tuli sa naganap na Medical Mission ang syudad ng Dagupan nitong July 8 to 9, 2023 sa West Central Elementary School I.
Tinatayang humigit kumulang 900 na indigent children at elderly ang naserbisyohan sa Healthy Dagupeño Medical Mission na ito na pinangunahan ng lokal na pamahalaan ng syudad ng Dagupan.
Maliban sa libreng tuli, nagkaroon ng free minor operations, cataract screening at medical consultation. Ang nasabing Medical Mission ay bahagi ng layunin ng pamahalaan ng Dagupan na makapagbigay ng magandang serbisyo medikal para sa mga residente.

Facebook Comments