Indikasyong bababa na ang trend ng COVID-19 sa NCR, nakikita na ng OCTA Research Team; Pagtaas sa 150,000 COVID-19 testing kada araw, ipinanawagan

Nakikita na ng OCTA Research Team ang indikasyong bababa na ang trend ng mga COVID-19 cases sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, kapag nag-flat na ang positivity rate sa 25% ay may posibilidad na bumaba na ang kaso ng COVID-19.

Bumaba na rin ang growth-rate ng COVID-19 sa ilang lalawigan, kabilang ang Cavite at Laguna na nakapagtala ng 2%.


Samantala, nanawagan naman si House Committee on Ways and Means Chair Joey Salceda sa Inter-Agency Task Force (IATF) na itaas sa 150,000 ang COVID-19 testing kada araw.

Maituturing kasi itong pinakamabuting paraan upang maibalik ang operasyon ng mga negosyo kasama ang sektor ng turismo.

Sa ngayon, batay sa pinakahuling datos ng National Vaccination Operations Center ay umabot na sa 56,794,113 ang kabuuang doses ng COVID-19 vaccine ang nai-deliver sa bansa.

Facebook Comments