Manila, Philippines – Tiniyak ni NCRPO Chief Oscar Albayalde na mananagot sa batas ang mga nasa likod ng indiscriminate firing sa pagsalubong sa Bagong Taon kabilang na ang tatlong alagad ng batas na naaresto sa Southern Metro Manila.
Kabilang sa naaresto si PO3 Alexander Roy Rafer na nakatalaga sa Las Pinas Police Community Precinct.
Nabawi rin mula sa kanya ang 9mm na ginamit nito sa pagpapaputok.
Sa New Lower Bicutan, Taguig City naman, inaresto ang dalawang sundalo na sangkot din sa Indiscriminate Firing, Alarm and Scandal, illegal possession of Firearms and Anmunitions , Physical Injury, Direct Assault, Resisting Arrest, at Serious Disobedience.
Kinilala ang mga ito na sina Staff Sergeant Jamael Mindalano, Retired Philippine Army, AFP at Corporal Richard John Quijano na aktibong miyembro ng Philippine Army, AFP at nakatalaga sa Light Reaction Company ng Light Reaction Regiment, Special Operations Command.
Narekober mula sa kanila ang dalawang units ng cal. 45 pistol, isang unit 9mm pistol, isang unit ng 38 revolver at ibat ibang mga bala.
Isang Jolly Moreno naman na kapitbahay ng suspect na si Mindalano ay bahagyang nagtamo ng sugat sa kanang bahagi ng katawan matapos na mag-ricochet ang shrapnel ng bala.
Sa Cembo, Makati naman, isang sibilyan na si Federico Alcala, 54 years old at company driver, ang inaresto dahil din sa pagpapaputok ng Cal.45.
Sa Caloocan city naman, tatlo ang nasugatan sa pagpapaputok ng baril ng isang lasing na sibilyan.