INDISCRIMINATE FIRING | Sekyu, arestado

Quezon Province – Arestado ang isang security guard dahil sa pagpapaputok ng baril sa compound ng Department of Education sa Quezon Province.
Ayon kay Quezon Provincial Police Office Director Sr/Supt Rhoderich Armamento, kinilala nila ang suspek na si Julius Irvin Ayala, 30 anyos at residente ng barangay talipan pagbilao ng nasabing probinsiya.
Ang suspek ay guwardiya sa opisina ng Department of Education (DepEd).

Sa report ng tauhan ni Armamento, bigla na lamang nagpapaputok ng baril ang suspek sa kapwa nito guwardya na kinilala namang si Pepito Palmes dahil sa hindi pagkakaunawaan.

Narekober sa suspek ang 9mm pistol at inihahanda na ng mga otoridad ang isasampang kaso sa rito.


Facebook Comments