Nakiusap si Pangulong Rodrigo Duterte sa Malaysia at Indonesia na tumanggap ng Rohingya Refugees.
Ito’y kasabay ng muling pangako ng Pangulo na tatanggap siya ng mga Muslim Ethnic Minority Group.
Sa kanyang talumpati sa Cotabato City, hinikayat niya ang dalawang bansa na maghati-hati sila sa pagtanggap ng Rohingya Refugees.
Sinabi pa ng Pangulo na pwedeng turuan ng mga Fiipino ang Rohingya Refugees na makapamuhay.
Nitong Abril, sinabi ni Pangulong Duterte na handa ang Pilipinas na magbigay ng santuwaryo para sa rohingya na tumatakas sa nangyayaring ‘genocide’ sa Myanmar.
Maliban dito, handa rin ang Pangulo na mag-alok ng Filipino Citizenship sa mga Refugees.
Humingi rin ng paumanhin ang Pangulo sa De Facto Leader ng Myanmar na si Aung San Suu Kyi matapos sabihing may nangyayaring genocide sa kanilang bansa at nilinaw na binabanatan niya ang European Countries na nag-aakusa sa Myanmar ng Human Rights Violation pero hindi naman tumulong sa mga Rohingya.