Mindanao – Nagpahayag na rin ng pagtulong ang Indonesia sa gobyerno ng Pilipinas para tuluyang masugpo ang Maute-ISIS group sa Marawi City at iba pang bahagi ng Mindanao.
Ayon kay Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano, hiling ng Indonesia na maidaos ang pulong sa lalong madaling panahon upang pormal na imungkahi ang kanilang intensyong makatulong.
Samantala, ipinagtanggol naman ni Senate President Koko Pimentel ang Duterte administration sa pagtanggap ng tulong mula sa Amerika para technical at logistical support para sa pagtugis sa Maute-ISIS group.
Ayon kay Pimentel, wala itong nalalabag na batas sa ilalim ng Philippine Constitution dahil umiiral pa rin ang Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.
DZXL558
Facebook Comments