Indonesia, nanawagan para sa bagong tsunami warning device

Humingi na ng tulong sa ibang bansa ang gobyerno ng Indonesia para makagawa sila ng makabagong tsunami warning device.

Kasunod ito ng pinakahuling tsunami bunsod ng undersea landslide mula sa Anak Krakatau volcano na ikinasawi ng mahigit 400 katao sa Sumatra Island at Java.

Inamin ng ilang mga opisyal na mula pa noong 2012 ay hindi na gumagana ang kanilang tsunami warning buoys.


Hindi anila ito napaayos dahil sa kawalan ng pondo.

Ang kanilang kasalukuyang warning system ay para i-monitor ang lindol pero hindi ang undersea landslides at pagputok ng bulkan.

Isa rin ang kawalan ng tsunami warning device sa nangyaring tsunami noong Setyembre sa Sulawesi na ikinasawi naman ng mahigit 2,000 katao.

Facebook Comments