Indonesia, papalitan na ang kanilang capital city

Inanunsyo ni Indonesian President Joko Widodo na ang kanilang central government ay ililipat na sa bagong capital city mula sa Jakarta.

Ayon kay Widodo – ang bagong kabisera ay itatayo sa isla ng Borneo na ‘very strategic.’

Aminado si Widodo na masyado nang mabigat para sa Jakarta na maging sentro ng komersyo, pamahalaan at kalakalan.


Isa sa nakikitang dahilan ng paglipat ay ang unti-unting paglubog ng Jakarta, na napabilang pa sa fastest sinking cities sa mundo bunsod ng pagkuha ng ground water.

Ang konstruksyon ng bagong Indonesian capital ay sisimulan sa 2021.

Facebook Comments