INDONESIA SUICIDE ATTACK | 13 patay, 40 sugatan sa suicide attack sa Indonesia

Indonesia – Umakyat sa 13 tao ang patay habang 40 ang sugatan sa inilunsad na suicide attacks sa Surabaya, Indonesia.

Ang mga suspek ay anim na miyembro ng isang pamilya na sympathizers ng Islamic State.

Inako na ng terrorist group ang insidente habang mariing kinondena ito ni Indonesian President Joko Widodo.


Nagpaabot na ng panalangin si Pope Francis sa mga biktima ng insidente.

Facebook Comments