Indonesia, target na muling magbukas ng ekonomiya sa susunod na buwan

Target ng Indonesia na muling magbukas ng ekonomiya sa susunod na buwan.

Ito ay matapos na umabot na sa peak ang naitalang kaso ng COVID-19 sa kanilang bansa at patuloy na itong bumababa sa ngayon.

Kasunod nito, nagpaalala naman si Indonesian President Joko Widodo sa mga residente na mapanatiling alerto at sumunod sa mga hakbang ng gobyerno para maiwasan ang pagkalat pa ng virus.


Nasa 258 million doses ng COVID-19 vaccines din ang inaasahang darating sa kanila mula ngayong buwan hanggang Disyembre.

Sa ngayon ay nasa 3.46 million na ang kaso ng COVID-19 sa indonesia habang higit 97,000 naman dito ang nasawi.

Facebook Comments