INDONESIA TSUNAMI | Tsunami, tumama sa isla ng Sulawesi sa Indonesia

Indonesia – Patuloy na inaalam ng mga otoridad kung may mga nasawi at nasugatan sa nangyaring tsunami sa isla ng Sulawesi sa Indonesia matapos ang 7.5 magnitude na lindol.

Sa ulat, aabot sa hanggang dalawang metro ang taas ng tsunami na tumama sa nasabing isla kung saan maraming mga gusali ang nasira at mga sasakyan ang inanod sa dagat.

Ini-report din ni National Disaster Mitigation Agency Spokesman Sutopo Purwo Nagroho, na naputol ang linya ng komunikasyon sa lungsod ng Palu.


Nabatid na nasa pacific ring of fire kasi ang Indonesia kaya regular itong tinatamaan ng lindol.

Facebook Comments