Bumisita sa BRP Antonio Luna ang contingent ng Indonesian Navy na kalahok sa Rim of the Pacific Naval Exercise sa Hawaii.
Ang Indonesian Navy contingent ay pinangunahan ng kanilang Commanding Officer na Martadinata-class frigate KRI I Gusti Ngurah Rai Captain Lewis Nogot Nainggolan.
Sila ay malugod na tinanggap ni BRP Antonio Luna at Naval Task Group Commanding Officer, Captain Charles Merric Villanueva at iba pang opisyal ng Philippine contingent.
Binigyan ng tour ni Capt. Villanueva si Capt. Nainggolan at nagpalitan ng plaque of appreciation ang dalawang opisyal.
Ayon kay Phil. Navy Spokesperson Commander Benjo Negranza, ang pagbisita ng Indonesian Navy Officials sa BRP Antonio Luna ay simbolo ng matatag na samahan ng dalawang navy.
Ang RIMPAC naval exercise sa Honolulu, Hawaii ay nagsimula noong Hunyo 29 at tatagal hanggang Agosto 4, ang pinakamalaking naval exercise sa buong mundo na nilalahukan ng 27 bansa, sa pangunguna ng Estados Unidos.