
29 na Indonesian nationals na mga biktima ng human trafficking ng isang scam hub sa Parañaque City.
Ang matagumpay na nakauwi na sa kanilang bansa sa Indonesia nitong Sabado.
Humingi ng tulong ang embahada ng Indonesia sa Presidential Anti-Organized Crime Commission o PAOCC.
Sila ang nag-rescue sa foreign nationals na ginamit sa isinarang scam hub sa Parañaque City.
Sa ngayon, 10 pa na Indonesian nationals ang naghihintay na lang sa kanilang mga papeles at kasalukuyang nasa custodial facility ng PAOCC sa Pasay City.
Sinabi ng PAOCC na patuloy pa nilang pinaghahanap ang ilan pa sa Indonesian nationals na nagtrabaho sa nasabing scam hub sa Parañaque upang matulungan silang makabalik din sa kanilang bansa.
May ilan pa raw na Indonesian nationals ang nananatili sa bansa, na biktima rin ng human trafficking at maaring nagpapatuloy o namamasukan sa ibang POGO operations.