Muling dumating sa bansa ang Indonesian Navy Training Ship kri bima suci (945), para sa apat na araw na goodwill visit.
Sakay nito ang 103 naval cadets at 89 officers at crew.
Ang goodwill visit ay magsisimula ngayong araw, August 12 at tatagal hanggang sa August 15
Layon nitong palakasin ang relasyon ang navy ng Pilipinas at Indonesia.
May mga nakalatag ding aktibidad tulad ng goodwill games, shipboard tour at pre-coordination meeting.
Ang nasabing barko ng Indonesia ay una nang bumisita sa bansa noong October 2018.
Facebook Comments