Nasa Pilipinas ngayon si Indonesian President Joko Widodo para sa kanyang tatlong araw na official visit.
Batay sa ulat ng Presidential Communications Office (PCO), alas-8:05 kagabi nang dumating si President Widodo sa Maharlika Presidential Hangar sa Villamor Air Base sa Pasay City.
Ngayong araw naman ay nakatakdang magpulong sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at Indonesian President Widodo sa Palasyo ng Malacañang para pag-usapan ang progreso ng relasyon ng Pilipinas at Indonesia.
Matatandaang buwan ng Setyembre nang nakaraang taon nang bumisita si PBBM sa Indonesia.
Ang dalawang bansa ay magdiriwang ng 75th anniversary para sa formal diplomatic relations.
Si President Widodo ay mananatili sa Pilipinas hanggang bukas.
Facebook Comments