Manila, Philippines – Ipinahaharap na sa kaso ang Indonesian terrorist na kasama ng mga Maute Group na sumalakay sa Marawi City.
Ngunit hindi sa DOJ Main Office sa Maynila ito dinala kundi kay Assistant state prosecutor Ethel Rea Suril sa Quezon CitY Prosecutors Office.
Ito ang kinumpirma ni Police Chief Inspector Maximo Sumeg-Ang ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).
Ang suspek na si Muhammad Ilham Syahputra ay kinasuhan ng Rebellion, Illegal Possession of Firearms and Explosives at Paglabag sa International Humanitarian Law.
Ito ay kaugnay sa nangyaring pag-atake ng Maute terrorist group sa lungsod ng Marawi simula noong May 23, 2017.
Agad din ibinalik sa Kampo Crame ang Indonesian terrorist at patuloy na nasa pangangalaga ng PNP CIDG.