
Pinalalakas pa ang industriya ng pag-aasin sa Ilocos Region sa pagbibigay ng mga kagamitan at pasilidad sa mga prodyuser mula sa apat na lalawigan.
Sa ilalim ng Development of Salt Industry Project, tinanggap ng ilang asosayon ng mga mag-aasin at mangingisda ang mga kagamitan tulad ng Solar Pond Production Tile Bricks, shared facility na may kapasidad na labing dalawang tonelada at storage room na kayang makapag silid ng isang tonelada ng asin upang palakasin ang kanilang operasyon.
Layunin na maiangat ang kaalaman ng mga lokal na mag-aasin sa paggamit ng modernong equipment na kayang magpatuloy sa gitna ng kalamidad.
Inaasahan na mababawasan ang pagdepende sa mga inaangkat na asin kasunod ng pagpapabuti sa operasyon na magpapataas pa sa produksyon at magtitiyak ng steady na suplay ng food-grade na asin sa buong taon.









