INDUSTRIYA NG BAGOONG SA LINGAYEN, PATULOY NA UMUUSBONG

Patuloy umano ang pag-usbong ng industriya ng bagoong ayon sa ilang producer nito sa bayan ng Lingayen.

Ayon kay Daniel Bernal Jr., isa sa kilalang nagpoprodyus ng bagoong sa bayan, patuloy umano nilang ipinapakilala ang industriya ng bagoong sa ibang kalapit bayan at maging sa iba pang lugar sa bansa.

Ang patuloy umanong pagsuporta ng publiko sa lokal na bagoong ay makatutulong hindi lamang sa turismo at kultura ng kanilang bayan kung hindi pati na rin sa kanilang mga empleyado na tumutulong upang magpatuloy pa rin ang naturang industriya.

Bukod sa bagoong ay pinarami pa nila ang mga produktong kanilang maiaalok sa mga konsyumer tulad ng patis at iba pang pampalasa.

Nagpapatuloy din ang inobasyon ng mga ito upang magpatuloy ang pagsabay sa panahon.

Umaasa naman ito na huwag magsasawang tangkilikin ng mga Pangasinense ang bagoong bilang isa pangunahin at ipinagmamalaking produkto ng probinsya lalo na sa bayan ng Lingayen. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments