Patuloy na sinusuportahan ng Department of Trade and Industry ang pagpapalakas pa sa industriya ng lokal na kape sa probinsya ng La Union.
Nito lamang, nagtipon ang mga magsasaka ng kape, mga kooperatiba at mga stakeholders para sa presentasyon ng resulta sa coffee profiling at green grading. Ang naturang aktibidad ay naglalayon na matingnan at mapataas pa ang kalidad ng kape na inaani ng mga magsasaka sa probinsya.
Sa pamamagitan ng scientific profiling at grading sa pangunguna ng DTI La Union ay patuloy rin na nabibigyan ng mga karagdagang kaalaman ang mga magsasaka ng iba pang kakayahan ay pagpapayabong pa ng produksyon ng kape.
Pagtitiyak rin ito na nasusunod ng mga magsasaka ang pamantayan para sa mas magandang pagpapakilala ng industriya ng kape at mapalawig pa ang mga oportunidad para rito. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨








