Dahil sa layuning mapalakas at mapalago ang industriya ng manukan sa buong Rehiyon Uno tuloy-tuloy ang isinasagawang mga aktibidad ng Agricultural Training Institute Region 1 para rito.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Focal Person ng ATI- Region 1 Krizel Joy Natividad, patuloy ang isinasagawang aktibidad at hakbang ng ahensya kung saan naganap ang Free-Range Chicken Production and Management at dinaluhan ito ng mga agricultural extension workers (AEWs), farmer leaders, batang mga magsasaka at iba’t ibang partners mula sa mga state universities and colleges (SUCs) sa rehiyon.
Ibinahagi sa mga ito ang tamang pangangalaga sa mga manok partikular na ang free-range chicken na kanilang aalagan.
Matatandaan aniya noong taong 2021 namahagi na ang ahensya sa mga benepisyaryo ng naturang manok ngunit sa kasamaang palad hindi nagtagumpay ang mga ito sa pagpaparami kaya’t ngayon ibinahagi sa mga ito ang tama at standard na pangangalaga sa mga ito.
Naniniwala naman ito na magiging matagumpay ang kanilang aktibidad at sa pangangalaga ng mga magsasaka sa manok dahil na rin sa mga bagong interbensyon at pamamaraan sa pangangalaga ng hayop para sa nabanggit na layunin ng ahensya. |ifmnews
Facebook Comments