INDUSTRIYA NG PAGBABANGUS, KINILALA SA KALUTAN ED DALAN SA DAGUPAN CITY

Patuloy na binibigyang pagkilala ang mayabong na industriya ng pagbabangus sa selebrasyon ng Bangus Festival Kalutan ed Dalan sa Dagupan City kung saan libo-libong bangus ang iniihaw taon-taon.

Sa panayam kay Dagupan City Consultant Rex Catubig, tumataas ang bilang ng Dagupan bangus na iniihaw kada taon mula sa 22,000 noong 2024, nasa 25,000 bangus ang inihaw ngayong taon.

Dagdag ng opisyal, patuloy na iginigiit ang kaibahan ng produktong Dagupan Bangus mula sa ibang probinsya sa pagtatag ng labelling sa mga pamilihan para sa kapakanan ng mga konsyumer.

Ngayong taon, nakatakda pang malaman kung nahigitan ang grills at bilang ng mga dumalo mula sa isang milyong katao na dumagsa noong nakaraang Bangus Festival. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments