MANILA – Pinangangambahang magmahal ang presyo ng mga paputok ngayong papalapit na holiday season.Kasunod na rin ito ng pagbalik na sa normal ng bentahan ng paputok sa Bocaue, Bulacan matapos bawiin ng Labor Department ang work stoppage sa mga pagawaan ng paputok.Ayon sa ilang mga tindero ng paputok, kailangan kasi nilang bawiin ang ilang araw nilang pagkalugi mula nang ipatupad ang naturang kautusan ng Labor Department.Bagama’t masigla na muli ang bentahan ng paputok sa Bocaue, hindi pa rin masaya ang mga nasa industriya lalo’t suportado ng DOLE ang hakbang ng health department na total ban sa paggamit ng mga paputok.
Facebook Comments