Ang naturang proyekto ay mula sa P1 million na livelihood project grant mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources matapos tanghalin ang Anda bilang Most Outstanding Coastal Community upang matutukan ang produksyon ng seaweed,sea cucumber at sea urchin.
May lawak na dalawampung metro ang cage o kulungan ng seaweed nursery at sumailalim din sa pagsasanay ang mga magsasaka upang mapangalagaan ang operasyon nito.
Noong 2023, inilunsad din ng tanggapan sa Sitio Caniogan sa Brgy.Tondol ang walong ektarya ng seaweed nursery na pinalawak sa sampung ektarya para sa iba pang lamang dagat tulad ng sea urchin.
Layunin na mapalago pa ang kabuhayan ng mga magsasaka at masuportahan ang mga coastal communities kasabay ng pangangalaga sa mayamang marine ecosystem sa mga baybayin ng Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









