You're viewing an older RMN Networks article from our archives.

Industriya ng turismo, bumaba ang kita noong 2020 dahil sa pandemya

Bumaba ang kita ng tourism sector nitong nakaraang taon.

Pangunahing dahilan nito ang COVID-19 pandemic kung saan ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) ay nakapagtala lamang ng 5.4% ang sektor o katumbas ng P973.31 billion.

Mababa ito ng 61.2% kumpara sa 12.8% o P2.51 trillion na kita para sa turismo noong 2019 habang bumaba rin ng 18.1% ang tourism employment nitong 2020.

Facebook Comments