INDUSTRIYA NG WOOD FURNITURE SA ILOCOS NORTE, PINALALAKAS

Pinalalakas sa pamamagitan ng iba’t-ibang inisyatibo ang industriya ng wood furniture sa Ilocos Norte upang mas makilala pa ito.

Kamakailan lamang ay binisita at nagsagawa ng assessment ang tanggapan ng Department of Trade and Industry kasama ang Design Center of the Philippines sa apat na MSMEs o maliliit na nagnenegosyo ng naturang industriya.

Dito ay nagbigay gabay at konsultasyon ang ilan sa kasamang Design Specialist para sa mga MSMEs ukol sa pagpapayabong pa ng kaalaman at ideya sa disenyong malilikha, mga market trends, at brand positioning.

Sa pamamagitan nito ay malilinang pa ang kakayahan ng mga nasa industriya ng wood furniture na makipagsabayan sa ganda at kalidad ng mga produktong malilikha at maging market readiness ng mga ito.

Samantala, ang mga final output naman ng mga sumailalim na MSMEs ay ipapamalas sa Rimat Ti Amianan Trade Fair na gaganapin sa Manila sa December 2025. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments