INENDORSO | Pag-endorso ng Pangulo kay Mar Roxas, ikinatuwa ni VP Robredo

600

Manila, Philippines – Ikinatuwa ni Vice President Leni Robredo ang tila pag-endorso ni Pangulong Duterte kay Mar Roxas bilang senador sa darating na halalan.

Ayon kay Robredo, tila kinukumpirma na talaga ng Pangulo na kwalipikado si Roxas para tumakbong senador kung saan ikinatuwa niya ito dahil siya ang tumatayong chairperson ng Liberal Party.

Dahil dito, inamin ni Robredo na ito ang unang pagkakataon na narinig niyang nagsalita ng papuri si Duterte sa isang dating opisyal ng oposisyon.

Matatandaan na nagbanggaan at nagkaroon pa ng batuhan ng putik sina Duterte at Roxas noong 2016 elections dahil kapwa itong tumakbo sa pagka-presidente.

Facebook Comments